Sa mga susunod na araw, samahan ninyo akong magdasal pa, that our decision will be what is best for our country,” dagdag pa ni Robredo.
Matatandaang sinabi rin ni Robredo noon na handa na siyang maging pangulo pero ikinokonsidera pa rin ang pagtakbong muli sa pagka-vice president.
Malakas din ang usap-usapan na posible siyang tumakbo sa local na posisyon sa Camarines Sur.
Kahit hanggang sa ngayon ay wala pang sagot si Robredo kung tatanggapin ang nominasyon, si 1Sambayan convenor at dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio ay tiwalang hindi bibiguin ni Robredo.
Sabi ni Carpio, mayroong “remote possibility” lamang na ire- reject ni Robredo ang kanilang endorsement.
Inaasahan ni Carpio ng 1Sambayan na makakausap si Robredo para maipaliwanag kung bakit siya ang napili ng grupo.
Hanggang ngayon ay nasa Bicol pa si Robredo.
“We hope that she will accept our challenge…She is willing to save the country from plunder, from the dictatorship, she is willing to accept the challenge,” ayon kay Carpio.
Kung sakali namang tanggihan ni Robredo ang endorsement ng 1Sambayan, sinabi ni Carpio na agad silang mag-re-reconvene para sa susunod na hakbang ng grupo.
The post VP Leni, hindi pa tinatanggap ang endorso ng 1Sambayan bilang pambato sa 2022 elections appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments