Extended na simula sa November 15 ang mall operating hours sa National Capital Region (NCR), ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Ayon pa sa MMDA, ang operating hours para sa mga shopping mall sa Metro Manila ay 11 a.m. hanggang 11 p.m.

(Courtesy: MMDA FB)
“11am-11pm na ang mall operating hours kada weekdays para makatulong na mapagaan ang daloy ng trapiko ngayong papalapit na ang Christmas season,” sabi ng MMDA sa kanilang Facebook post.
Nilinaw naman ng MMDA na limitado ang mall sales tuwing weekends at holidays.
“But yung ordinary days na weekdays, Monday to Friday, pwede silang magbukas sa supermarket nang mas maaga and those restaurants outside the malls serving breakfast,” pahayag ni Abalos sa panayam ng Inquirer.net.
Dagdag pa ni Abalos na mall operators na ang magpapasiya ng operating hours kapag weekends.
“Usually kasi ang ina-avoid natin yung ordinary day, ‘yung Monday to Friday.
So sa Saturday or Sunday, it’s up to them,’ paliwanag pa ni Abalos.
Ayon kay Abalos, ang mga mall sa Metro Manila ay karaniwang nagbubukas ng 10 a.m. at nagsasara ng 9 p.m.
(NP)
The post MMDA: Weekday mall hours sa NCR, extended na simula sa November 15 appeared first on News Patrol.
MMDA: Weekday mall hours sa NCR, extended na simula sa November 15
Source: Trending Filipino News
0 Comments