Presyo ng petrolyo, may rollback sa susunod na linggo

Good news para sa mga motorista!

Pagkatapos ang mahigit dalawang buwan na sunod-sunod na dagdag-singil sa presyo ng produktong petrolyo, may rollback naman sa darating na linggo.

Tinatayang ang rollback sa diesel ay nasa P0.60-P0.70/L, ang gasolina naman ay P1.10-P1.20/L at sa kerosene – P0.65-P0.75/L.

Dahil sa serye ng dagdag-singil sa produktong petrolyo umabot ang total net increase ng P13.90 kada litro sa gasolina, sa diesel naman ay P11.10 kada litro at sa kerosene ay P9.45 kada litro

Ipatutupad ang oil price rollback sa Martes, November 9.

(NP)‍

The post Presyo ng petrolyo, may rollback sa susunod na linggo appeared first on News Patrol.



Presyo ng petrolyo, may rollback sa susunod na linggo
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments