2,605 na Covid-19 cases, naitala ngayong araw, November 7

Nakapagtala ang Department of Health ng 2,605 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw, November 7.

Umakyat naman sa 2,803,213 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Mayroon ding naitalang 3,901 na gumaling at 191 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.2% (33,526) ang aktibong kaso, 97.2% (2,725,257) na ang gumaling, at 1.58% (44,430) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 5, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
Ayon pa sa DOH, ang daily positivity ay nasa 5.2% base sa 48,450 tests na naiulat noong November 5.
Ang benchmark rate kasi na below 3% ay nangangahulugan na sapat naman ang ginagawang testing ayon sa US nonprofit Covid Act Now.
Para naman sa World Health Organization (WHO), ang positivity rate ay kailangang nasa below 5% para masabi na kontrolado na ang impeksyon.

((NP)

The post 2,605 na Covid-19 cases, naitala ngayong araw, November 7 appeared first on News Patrol.



2,605 na Covid-19 cases, naitala ngayong araw, November 7
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments