(Photo courtesy: Anne Villagante FB)
Nasungkit ng Pinoy artist na si Michael Garcia Villagante ang grand prize sa XIII Florence Biennale 2021 sa Italy.
Nakalaban ni Villagante ang 400 artists mula sa 65 bansa na ipinakita ang 1,000 artworks.
Ayon kay Villagante, inspirasyon niya ang kanyang asawa at anak sa ginawang obra na “Ang Pagtahan”.
“Yung pagtahan na yun, yung kalong ng ina yung baby, yung pagpikit ng bata, ‘yun yung parang naging ano ko, parang wala nang sakit. Wala nang mananakit sa kalikasan,’’ pahayag ni Villagante sa panayam ng ABS-CBN TeleRadyo ngayong Linggo.
“Dun sa bandang baba, yung limang lalaki, parang yun yung nagre-represent ng 5 kontinente. Yung puso sa ibabaw ng lalaki, ‘yun ang nagre-represent ng bansa,” dagdag pa ni Villagante.
Dating graphic designer si Villagante, natigil siya sa trabaho dahil nagsara na rin ang kumpanyang kanyang pinapasukan.
Naimbitahan si Villagante sa art show at pinondohan ng National Commission for Culture and the Arts ang kanyang biyahe.
(NP)
The post Pinoy artist, wagi ng grand prize sa Florence Biennale 2021 appeared first on News Patrol.
Pinoy artist, wagi ng grand prize sa Florence Biennale 2021
Source: Trending Filipino News
0 Comments