Pinag-aaralan na ang mandatory vaccination sa mga indibidwal na ayaw magpabakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19).
Ayon ito kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasunod ng plano ng Inter-Agency Task Force o IATF na magpatupad ng mandatory vaccination.
Sinabi ni Vergeire na sa kabila ng mga pamamaraan at pagbibigay ng mga insentibo ay marami pa ring mga Pilipino ang nagkakaroon ng hesitancy o agam-agam para magpabakuna.
Kaya naman napag-isipan na magsagawa ng mandatory vaccination upang makamit ang population protection na kailangan sa bansa.
Pero ang mandatory vaccination ay hindi para ipatupad sa isang sektor kundi sa mga sektor na kabilang sa mga vulnerable o mga humaharap talaga sa maraming tao.
Dagdag pa ni Vergeire, upang maabot ang “herd immunity at population protection”, dapat ay mas marami pa ang mahikayat na magpabakuna .
“Not to impose on certain sectors but to impose on a specific sector which are vulnerable na nagpe-face tlaga ng mga tao kapag nagtatrabaho sila” pahayag pa ni Vergeire.
Ayon pa sa opisyal, kasalukuyan na itong pinag-uusapan ng DOH kasama ng IATF at pinag-aaralan ang batas na kailangan para sa mandatory vaccination.
(Jocelyn Domenden)
The post Mandatory vaccination, pinag -aaralan na ayon sa DOH appeared first on News Patrol.
Mandatory vaccination, pinag -aaralan na ayon sa DOH
Source: Trending Filipino News
0 Comments