(Photo courtesy: Google maps)
Sa kabila ng patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa National Capital Region at maraming probinsya sa bansa, nakapagtala ang dalawang bayan na nasa norte ng critical level sa reproduction number.
Ayon sa OCTA research group ang mga lugar na ito ay ang Pudtol, Apayao at Santa Ana, Cagayan.
Ayon sa grupo, nasa 3.80 ang reproduction number sa Pudtol, at 2.17 naman sa Santa Ana nitong November 5.
Ang reproduction number ay ang tumutukoy sa bilis ng hawaan ng virus sa isang lugar.
“The delta surge is slowing down in the NCR and most provinces in the Philippines. However, there are smaller municipalities where outbreaks have occurred,” pahayag ng OCTA.
Itinuturing ding kritikal ang healthcare utilization rate sa Santa Ana nitong November 4.
Samantala, umaabot sa 128.05 ang average daily attack rate (ADAR) o ang bilang ng bagong daily cases kada 100,000 sa Pudtol habang 51.01 naman sa Santa Ana nitong November 5.
Sa kasalukuyang average testing positivity rate, kritikal ito mula October 29 hanggang November 4 sa mga sumusunod na lugar:
Tuguegarao: 35%
Lubang, Occidental Mindoro: 35%
Santa Ana: 33%
Puerto Princesa: 31%
Dumaguete: 30%
Batay sa OCTA, nasa downward trend na ang Dumaguete at Lubang, Occidental Mindoro na parehong areas of concern kamakailan.

(Photo courtesy: Dr. Guido David Twitter)
Sa labas ng NCR, lumabas ang Zamboanga City bilang may pinakamataas na daily average ng bagong kaso na umabot sa 86 mula October 30 hanggang November 1.
(Toni Tambong)
The post OCTA: Dalawang bayan sa bansa, nasa critical ang COVID-19 reproduction number appeared first on News Patrol.
OCTA: Dalawang bayan sa bansa, nasa critical ang COVID-19 reproduction number
Source: Trending Filipino News
0 Comments