(Photo courtesy: PNA)
Nakatanggap na naman ang Pilipinas ng karagdagang 866,970 doses ng Pfizer Biontech COVID-19 vaccines noong Sabado, November 6.
Lumapag ang bagong shipment sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 sa Pasay City.
Ang nasabing delivery ay dumating matapos na maabot ng Pilipinas ang rekord sa pagbabakuna ng bansa ng higit 1 milyong dosage sa isang araw.
Hanggang nitong November 5, nasa 109 million COVID-19 vaccine na ang naipadadala sa Pilipinas.
Sa bilang na ito, 16.5 million ang Pfizer, ayon sa National Task Force Against COVID-19.
Samantala, nasa 37,355,164 o 48.43% naman ng target population ang natuturukan na ng first dose sa bansa.
Habang 28,718,856 o 37.23% naman ng target population ang nabigyan ng kumpletong dose ng bakuna.
Umarangkada na rin ang pagbabakuna sa mga menor de edad sa bansa na may edad 12 hanggang 17 habang binabalangkas naman ang guidelines para sa booster shots o third dose para sa dati nang nabakunahan.
(Toni Tambong)
The post Higit 800K Pfizer COVID-19 vaccines, natanggap ng bansa appeared first on News Patrol.
Higit 800K Pfizer COVID-19 vaccines, natanggap ng bansa
Source: Trending Filipino News
0 Comments