(Photo courtesy: PNA)
Hindi na kailangan ang mga plastic barrier sa loob ng mga public utility vehicles (PUVs) o pampublikong sasakyan para sa paghihiwalay ng mga pasahero, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
“Drivers and operators can already remove them because there are no medical findings, based on our studies, that they can prevent the spread of COVID-19. Instead, the virus could stick to them,” pahayag ni Assistant Transportation Secretary for road transport Mark Steven Pastor sa isang press conference.
Sa kabilang banda, iginiit ng DOTr na ang health at safety measures ay mahigpit pa ring ipatutupad sa lahat ng pampublikong sasakyan.
Simula pa noong July 3, 2020 nang payagan ang mga jeepney at bus na bumiyahe sa pamamagitan ng unti-unting pagbubukas ng mga ruta sa buong bansa.
Ang mga tsuper ay gumagamit ng plastic barriers para mapaghiwalay ang mga pasahero sa loob ng jeep at sumunod sa 50 porsyentong kapasidad sa pampublikong transportasyon.
Samantala, nilinaw naman noong September 2020 ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chief Martin Delgra na walang opisyal na polisiya mula sa kaniyang tanggapan at sa DOTr na kailangan maglagay ng plastic barriers sa loob ng mga jeepney.
Dagdag pa ni Delgra na maging ang Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious diseases ay hindi rin sinasabi ang paglalagay ng plastic barriers .
Gayunpaman, hindi rin dini-discourage ni Delgra ang mga tsuper sa paggamit nito ng plastic barrier.
Matagal nang inirerekomenda ng mga eksperto na tanggalin ang plastic barriers sa loob ng PUVs dahil wala itong silbi kung wala rin namang physical distancing.
(NP)
The post Plastic barriers sa loob ng pampublikong sasakyan, hindi na kailangan ayon sa DOTr appeared first on News Patrol.
Plastic barriers sa loob ng pampublikong sasakyan, hindi na kailangan ayon sa DOTr
Source: Trending Filipino News
0 Comments