Enchanted Kingdom, magbubukas na sa Nov. 6; guidelines, alamin

(Photo Courtesy: Enhanted Kingdom FB)

Muling tatanggap ng mga bisita ang Enchanted Kingdom simula sa susunod na buwan.

Magbubukas na kasi ang kilalang theme park sa Sta. Rosa, Laguna sa November 6.

Tatanggap ito ng mga mamamasyal pero nasa 50% na kapasidad lamang.

Ang mga edad 18 hanggang 65 anyos lamang ang papayagang makapasok.

Ang mga bata ay hindi pa rin pinapayagan maging ang mga may comorbidities at underlying conditions.

Narito ang operating hours ng theme park:

– November 6 to December 12, 2021 – Saturdays at Sundays, 11 am to 7 pm

– December 13, 2021 to January 2, 2022 – Daily, 11 am to 7 pm

– January 3 to March 27, 2022 – Saturdays at Sundays, 11 am to 7 pm

Ayon sa guidelines na nakalagay sa website ng Enchanted Kingdom, pinapalalahanan ang mga pupunta na magdala ng ID na may birthdate para sa validation.

Dagdag din ng park na ang mga hindi pa bakunado ay pwede naman sa outdoor facilities ng park.

Ang mga nais naman pumasok sa indoor establishments ay kailangang magpakita ng kanilang vaccination card.

Ipatutupad din ang health at safety measures laban sa COVID-19 tulad ng temperature checks,  pagsusulat sa declaration forms, pagsusuot ng face mask at face shield at physical distancing.

(NP)

The post Enchanted Kingdom, magbubukas na sa Nov. 6; guidelines, alamin appeared first on News Patrol.



Enchanted Kingdom, magbubukas na sa Nov. 6; guidelines, alamin
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments