(Photo courtesy: Wikipedia)
Magdo-donate ang Canada ng milyong-milyong Covid-19 vaccines sa mga mahihirap na bansa sa mundo, ito ang pledge ng Canada noong Sabado, sa G20 summit.
“Canada will donate the equivalent of at least 200 million doses to the Covax Facility by the end of 2022,” ayon kay Prime Minister Justin Trudeau sa isang opahayag tungkol sa global vaccine-sharing alliance.
Sa nasabing bilang, 10 million doses ng Moderna vaccine ay agad na ide-deliver sa mga developing countries, ayon pa kay Trudeau.
Nag-pledge din ang Canada ng $15 million para makatulong sa pagpapataas ng vaccine production sa South Africa, sabi naman ng Canadian Deputy Prime Minister at Finance Minister Chrystia Freeland at briefing naman sa Rome.
Ang mga nasabing pondo ay inaasahang makaka-contribute para makapag-produce ang rehiyon ng messenger RNA vaccines laban sa Covid-19.
“We do not control production, but by 2022, we are certain that it will be possible to contribute at this level,” sabi pa ni Freeland.
Nitong August, inanunsyo ng American company na Moderna na gusto nitong gumawa ng vaccine manufacturing plant sa Canada, ang magiging unang kumpanya ng Moderna sa labas ng Amerika.
Ayon pa sa Canadian government, mahigit 3 million na mula sa 40 million doses na ipinangako ng Canada ang natanggap na ng COVAX noon ding Sabado, Ocober 30 at mayroon pang mga kasunod na delivery sa mga susunod na araw.
Nauna na ring iginiit ng Italian G20 presidency na kailangang siguraduhin ng G20 countries na bakunado laban sa coronavirus disease (COVID-19) ang 70 porsyento ng populasyon sa buong mundo pagdating ng kalagitnaan ng 2022.
“We are very close to meeting the WHO’s target of vaccinating 40 percent of the global population by the end of 2021. Now we must do all we can to reach 70 percent by mid-2022,” sabi ni Italian Prime Minister Mario Draghi.
Ang G2o summit ay ginanap mula October 30 hanggang 31 sa Rome kung saan magpupulong ang mga Head of State ng mga kasaping bansa.
Ang mga miyembro ng G20 ay ang mga sumusunod na bansa: Argentina, Australia, Brazil, Canada, China, France, Germany, Japan, India, Indonesia, Italy, Mexico, Russia, South Africa, Saudi Arabia, South Korea, Turkey, United Kingdom, United States, at ang European Union. Ang Spain naman ay inimbitahan bilang permanent guest.
(with report from Toni Tambong)
The post Canada, magdo-donate ng aabot sa 200million doses ng bakuna sa Covax facility appeared first on News Patrol.
Canada, magdo-donate ng aabot sa 200million doses ng bakuna sa Covax facility
Source: Trending Filipino News
0 Comments