Inihihirit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Inter-Agency Task Force (IATF) na iklian ang quarantine period mula sa 14 araw ay maging pitong araw na lang para sa inbound travelers na bakunado laban sa COVID-19.
Giit ng Pangulo na nahahabag siya sa overseas Filipino workers (OFWs) na sumasailalim sa mahabang quarantine period.
“Naaawa ako sa mga kababayan nating OFW pati iyong utang natin kasi iyong mga hotel na ginagamit natin,” pahayag ni Pangulong Duterte.
“‘Earlier [when] COVID came in, they were talking about the incubation period of about seven days lang… Kung totoo iyan, 7 days na lang para kasi pagpasok niyan, it will manifest sa katawan mo within 7 days… Beyond that, medyo wala na. Iyan ang sabi nila,” dagdag pa ng Pangulo.
Ayon naman kay Interior Secretary Eduardo Año, aaksyunan na nila ang plano na paikliin ang quarantine period.
“Fina-finalize na lang po naming ito. Magiging 5 to 7 days na lang ang quarantine period sa mga vaccinated po,” pahayag ni Año.
Sa ngayon ay 14 araw ang quarantine period para sa mga biyaherong mula sa ibang bansa.
(Toni Tambong)
The post Quarantine period para sa vaccinated inbound travelers, ibaba sa 7 araw, hirit ni Pangulong Duterte appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments