(Photo: Estrella Bueno)
Magkasamang naghain ng Certificate of Candidacy (COC) ang mga beterano sa senado na sina senador Panfilo “Ping” Lacson at Vicente “Tito” Sotto III.
Si senador Lacson ay nag-file ng COC para sa pagka-presidente, samantalang si senate president Tito Sotto naman bilang vice-president.
Naghain ng kandidatura ang dalawa kanina bandang alas onse ng umaga.
Kasama ni Lacson ang kanyang maybahay na si Alice Lacson at si Sotto naman, ang beteranang aktres na si Helen Gamboa.
Si senator Lacson ay standard bearer ng partido Reporma habang si Sotto naman ang pambato ng Nationalist People’s Coalition o NPC sa pagka-bise presidente.
Samantala, nakapag-file na ngayong umaga ng kanyang COC si senate majority leader Juan Miguel Zubiri para sa muling pagtakbo sa pagka-senador.
Si Zubiri ay kasama sa senatorial line up ng Lacson-Sotto tandem, gayundin sina dating senator JV Eejercito, Cong. Loren Legarda, Governor Chiz Escudero at dating Agriculture secretary Manny Pinol.
Ayon pa kay Sotto, kasama din sa kanilang line-up si dating Quezon City mayor Herbert Bautista.
(with reports from Estrella Bueno)
The post Lacson-Sotto tandem, sabay naghain ng COC; handa na sa ‘bakbakan’ 2022 appeared first on News Patrol.
Lacson-Sotto tandem, sabay naghain ng COC; handa na sa ‘bakbakan’ 2022
Source: Trending Filipino News
0 Comments