Pitong indibidwal, kabilang ang apat na babae, arestado matapos mahulihan ng hinihinalang shabu

(Photo: Christian Heramis)

Iprinisinta ni Manila Mayor Isko Moreno sa media kahapon, October 5, ang pitong suspek na sangkot sa iligal na droga sa Maynila.

Naaresto sa ikinasang buy bust operation ang pitong  indibidwal kabilang ang apat na babae sa magkahiwalay na lugar sa lungsod.

Sa ulat ng MPD, nakilala ang unang naarestong mga suspek na sina:

Jonathan Balingit,24;

Esmelita Tumbagahan,61;

Renalyn Silverio,40;

Aldwin Castillo,43;

Anna Punzal,40;

at Mark Echalar,42 na pawang mga taga-Tondo, Maynila.

Agad na nagkasa rin ng operasyon ang mga tauhan ng MPD-PS 7, sa pamumuno ni PLt.Col Harry Lorenzo III,  laban sa mga suspek sa Raxabago St., malapit sa kanto ng Juan Luna St.sa Tondo, Maynila.

Sa nasabing operasyon, nakumpiska sa mga suspek ang halos 100 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa P680,000.

Samantala, naaresto naman sa isa pang anti-drug operation ng MPD-PS 14 si Nasfira Abdulla sa loob ng isang bahay sa 153  Marayag St., San Miguel, Manila.

Nakumpiska sa suspek ang 735 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa halos 5milyong piso.

(Jocelyn Domenden)

 

 

 

 

The post Pitong indibidwal, kabilang ang apat na babae, arestado matapos mahulihan ng hinihinalang shabu appeared first on News Patrol.



Pitong indibidwal, kabilang ang apat na babae, arestado matapos mahulihan ng hinihinalang shabu
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments