Tocilizumab na gawang China, aprubado na ng FDA

(Photo courtesy: Screengrab RTVM FB)

Aprubado na ng Food and Drug Administration (FDA) ng Pilipinas na gamitin ang tocilizumab na gawa sa China.

“Unang una po yung tocilizumab, nagkaroon ng bagong equivalent products na approved by FDA. Ito po yung tocilizumab na galing Livzon. Isa pong malaking factory sa China,”ayon kay FDA chief Eric Domingo sa ulat niya kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Talk to the Nation, Oct. 4.

Iniulat din ni Domingo na inaprubahan niya  rin ang baricitinib brands Barinicix at Barinez.

Ang Baricitinib ay isa ring gamot sa COVID-19.

“Mga similar din po ito mga equivalent na gamot na available na rin po sa atin na magamit sa ospital at maibenta sa botika,” paliwanag pa ni Domingo.

Samantala, nagbabala ang FDA sa publiko na bumibili ng COVID-19 medicines online.

Ito ay dahil sa reklamong  meron umanong online sellers na nagbebenta ng pekeng gamot o tinatanggap lang ang bayad at hindi ipinapadala ang gamot sa kanilang mga kliyente.

(Toni Tambong)

 

 

 

The post Tocilizumab na gawang China, aprubado na ng FDA appeared first on News Patrol.



Tocilizumab na gawang China, aprubado na ng FDA
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments