9,055 na bagong kaso ng Covid-19 cases, pinakamababang naitala simula noong August 10

Naitala ngayong araw, October 5 ang pinakamababang kaso ng Covid-19 simula noong August 10.

Ayon sa Department of Health, mayroong 9,055 na panibagong COVID-19 cases ngayon.

Kaya naman umakyat na sa 2,613,070 ang kabuuang bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

Mula noong August 10 ay ngayon lang ulit mas bumaba sa 10,000 ang mga nagkasakit ng Covid-19.

Pero sinabi rin ng Department of Health (DOH) na ang mababang bilang ngayon ay dahil sa mababang bilang ng laboratory output noong Linggo.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.9% (103,077) ang aktibong kaso, 94.6% (2,471,165) na ang gumaling, at 1.49% (38,828) ang namatay.

Dagdag pa ng DOH, mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Mayroon namang naitalang 12,134 na gumaling, pero walang naitalang namatay ngayon.

Ayon pa sa DOH, ito ay dahil sa technical issues sa data repository system na COVIDKaya.

The post 9,055 na bagong kaso ng Covid-19 cases, pinakamababang naitala simula noong August 10 appeared first on News Patrol.



9,055 na bagong kaso ng Covid-19 cases, pinakamababang naitala simula noong August 10
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments