Duque: P536.74M special risk allowance ng health workers, naibigay na ng gobyerno

(file photo)

Inilabas na ang P536.74 milyong pondo para sa special risk allowance (SRA) ng health workers, ayon kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.

Ito ang iniulat ni Duque kay Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, October 4.

Sinabi rin ni Duque na nasa P662.20 million na ang naipalabas para sa health facilities.

Nakikipag-ugnayan naman ang DOH sa private hospitals at local government units para sa pagpapalabas ng P1.33 billion pang SRAs ng health workers, dagdag ng kalihim.

“Patuloy ang pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan at pribadong ospital upang makumpleto ang pagbibigay ng P1.33 billion sa health care workers sa lalong madaling panahon,” sabi pa ni Duque.

Sa kabila nito, humihirit pa si Duque ng dagdag pang pondo para sa SRA.

Sa kabuuan, nasa P15.3 bilyong benepisyo na sa healthcare workers ang naipalabas, ayon pa sa ulat ng health secretary.

(Toni Tambong)

The post Duque: P536.74M special risk allowance ng health workers, naibigay na ng gobyerno appeared first on News Patrol.



Duque: P536.74M special risk allowance ng health workers, naibigay na ng gobyerno
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments