Pulse Asia survey: Pag-iwas sa sakit, pinakamatinding problema ng mga Pilipino

(Photo courtesy: PNA, Pulse Asia FB)

Pangunahing nasa isip ng karamihan sa mga Pilipino ang kalusugan sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa Pulse Asia survey noong September 6 hanggang 11, lumabas na pinakamatinding alalahanin ng 70% ng adult Filipinos ang maging malusog at makaiwas sa sakit.

47% ang nagsabing pinakamahalagang isyu ang pagkakaroon ng trabahong maganda ang kita.

46% ang nag-aalala sa araw-araw na pagkain, habang 43% naman sa usapin ng edukasyon.

 

Most urgent national concerns

Sa national concerns, lumalabas na 41% ng mga Pilipino ang nagsabing pinakamahalaga ang pagkontrol sa presyo ng mga bilihin.

40% ang nagsabing dapat taasan ang sahod ng mga manggagawa.

29% ang nakatuon sa pagsugpo sa COVID-19 pandemic, gayundin ang pagsuspo sa kahirapan.

 

Performance ng administrasyon

Pinakamataas naman ang bilang ng mga Pilipinong hindi aprubado sa performance ng administrasyong Duterte sa isyu ng pagkontrol sa presyo ng bilihin (36%), pagtugon sa kahirapan (32%) at paglikha ng mga trabaho (22%).

 

Ang survey ay nilahukan ng 2,400 responsdents na edad 18 anyos pataas.

(with report from Toni Tambong)

The post Pulse Asia survey: Pag-iwas sa sakit, pinakamatinding problema ng mga Pilipino appeared first on News Patrol.



Pulse Asia survey: Pag-iwas sa sakit, pinakamatinding problema ng mga Pilipino
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments