Pang. Duterte, paghahandaan ang ICC probe

“Hintayin ko kayo. I will prepare for my defense.”

Ito ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) matapos na ianunsyo niya ang kanyang pagreretiro sa pulitika.

Giit ng Pangulo na babalik na siya ng Davao City [pagkatapos ng kanyang termino] at paghandaan ang depensa para sa gagawing imbestigasyon ng International Criminal Court sa war on drugs sa ilalim ng kanyang administrasyon.

“Ayaw nila ako maglaro pa ng pulitika. Gusto nila umuwi na ako sa Davao, at maghintay ako sa maraming dada nang dada dyan ng kaso,” ayon sa Pangulo.

‘Yung ICC na ‘yan. ‘Wag lang kayong magsinungaling. Tutal may record naman. ‘Wag lang kayong mag-imbento na ‘yung namatay ng malaria diyan, i-cha-charge niyo sa akin. Kalokohan na ‘yan,” giit ni Pangulong Duterte.

Magkagayon man, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi siya makikipagtulungan sa ICC matapos niyang sabihin na pinaghahandaan niya ang kanyang pagdepensa.

“May sarili kaming judicial system dito. ‘Wag kayong makialam. Saka sinabi ko, you never acquired jurisdiction over my person,” giit ng Pangulo.

Matatandaang inaprubahan ng Pre-Trial Chamber I ng International Criminal Court (ICC) ang pagsisimula ng imbestigasyon sa crimes against humanity cases na isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

(Toni Tambong)

The post Pang. Duterte, paghahandaan ang ICC probe appeared first on News Patrol.



Pang. Duterte, paghahandaan ang ICC probe
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments