Mga mag-aaral sa ilang lugar, balik-silid aralan na sa November 15

(File photo)

Sisimulan na sa Nobyembre 15 ang pilot implementation ng in-person classes, ayon sa opisyal ng Department of Education (DepEd).

Pagbabalik ito ng mga mag-aaral sa mga silid-aralan matapos ang mahigit isang taong remote o online classes dahil sa pandemya.

Sa pagdinig ng Senate committee on basic education, sinabi ni  DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan na ang Nobyembre 15 ay kasabay ng pagsisimula ng second academic quarter.

Mga paaralang kabilang 

Limamput-siyam na pampublikong paaralan ang inirekomenda ng Department of Health (DOH) na mapasama sa pilot implementation ng face-to-face classes.

Kabilang dito ang mga eskuwelahan mula sa Masbate, Aklan, Antique, Cebu, Zamboanga Sibugay, Zamboanga del Sur, Lanao del Norte, Sarangani, at North Cotabato.

Paliwanag ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ito ang mga paaralang nasa mga lugar na minimal o low-risk sa COVID-19.

Matatapos ang pilot study para sa in-person classes sa Enero 31, 2022.

Kasunod nito ay magsasagawa ng evaluation ang DepEd sa Pebrero upang tukuyin ang iba pang paaralang mapapabilang sa pagpapatupad ng in-person classes.

Marso 7 target na palawakin ang mga paaralan na lalahok sa pilot face-to-face classes.

(Estrella Bueno)

The post Mga mag-aaral sa ilang lugar, balik-silid aralan na sa November 15 appeared first on News Patrol.



Mga mag-aaral sa ilang lugar, balik-silid aralan na sa November 15
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments