Aabot na sa 8 milyon ang mga rehistradong botante para sa 2022 elections, ayon kay Commission on Elections (Comelec) spokesperson James Jimenez.
Ayon sa kanya, base sa datos hanggang September 25 ay nasa 7,994,821 na ang rehistradong botante.
Matatandaang noong September 29 ay inaprubahan ang pagpapalawig ng voter registration na dapat sana ay nagtapos na noong September 30.
“Extension is from October 11 to 30, Monday to Friday, no Saturdays, except for the last day (Oct.30), 8 a.m. to 5 p.m,” sabi pa ni Jimenez.
Kaugnay nito, nilinaw na lahat ng serbisyo na may kaugnayan sa pagpaparehistro ay papayagan sa lahat ng Comelec offices sa nabanggit na extension period.
(Toni Tambong)


The post Rehistradong botante sa 2022 elections, halos 8M na appeared first on News Patrol.
Rehistradong botante sa 2022 elections, halos 8M na
Source: Trending Filipino News
0 Comments