Planong kunin ni presidential aspirant na si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Pangulong Rodrigo Duterte bilang vice presidential bet sa 2022 elections sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).
Ito ang isiniwalat ni Marcos nang maghain ng Certificate of Candidacy ngayong Miyerkoles, October 6, dahil wala siyang running mate.
“As of now, no one has filed for vice president under PFP. To be very candid with you, the reason why is that the original plan was for us to adopt PRRD [Duterte] for our vice-presidential candidate,” paliwanag ni Marcos.
Subalit nagbago ang plano nang magdesisyon ang Pangulo na magreretiro na sa politika noong nakaraang Sabado, Oct. 2, kasabay ng pag-endorso kay Senator Christopher Lawrence Bong Go na tumakbong bise presidente.
“Pero sa mga nangyari noong nakaraang Sabado, nagbago lahat ng plano. Kaya’t ngayon, nagkokonsulta kami, ‘yung partido at syempre lahat ng mga ating ibang mga kasamahan na kung anong dapat gawin,” pahayag pa ni Marcos.
Samantala, sinabi ni Marcos na asahan na sa mga susunod na araw ang pagpapalabas nila ng senatorial slate list.
“’Yung sa Senado naman [For Senate], we will be providing the list of our senatorial candidates in the very near future within days from now,” giit pa ni Marcos.
(Toni Tambong)
The post Plano ni dating senador Marcos na maging running mate si Pang. Duterte, purnada na? appeared first on News Patrol.
Plano ni dating senador Marcos na maging running mate si Pang. Duterte, purnada na?
Source: Trending Filipino News
0 Comments