Bilang ng Covid-19 cases ngayong araw, nananatiling mas mababa sa 10k

Nananatililing mas mababa pa rin sa sampung libo ang bilang ng kaso ng Covid-19 ngayong araw, October 6.

Ito na ang ikalawang araw na hindi umabot sa sampung libo ang kaso ng nagkakasakit sa bansa nang dahil sa virus.

Sa tala ng Department of Health, mayroong 9,868 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayon, kaya umakyat na sa 2,622,917 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Mayroon ding naitalang 133 na gumaling o nakarekober mula sa sakit ngayong araw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 4.3% (112,807) ang aktibong kaso, at 94.2% (2,471,282) naman ang gumaling.

Nanatili naman naman sa 1.48% o 38,828 ang bilang ng namatay gaya kahapon dahil sa walang naitalang patay ngayon.

Ito ay dahil pa rin sa technical issues sa data repository system na COVIDKaya, sabi pa rin ng DOH.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 4, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Pero kahit pa mababa ang bilang ng mga kaso ay mataas pa rin umano ang  healthcare utilization rate.

Kaya ang payo ng mga eksperto, huwag magpakampante at patuloy na sumunod sa minimum public health standards.

Pinapayuhan pa rin na magpabakuna kontra COVID-19.

The post Bilang ng Covid-19 cases ngayong araw, nananatiling mas mababa sa 10k appeared first on News Patrol.



Bilang ng Covid-19 cases ngayong araw, nananatiling mas mababa sa 10k
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments