Makasaysayang roll-out ng malaria vaccine, sasalba sa buhay ng libu-libong bata sa Africa

(Photo courtesy: BBC News. Binabakunahan ng nurse ang sanggol laban sa malaria sa Ghana noong 2019)

Itinuturing na isa sa pinakamalaking problema ng sangkatauhan ang sakit na malaria.

Karamihan sa mga namamatay ay mga bata at sanggol.

Mahigit isandaang taon ang ginugol para magkaroon ng bakuna laban sa nakakamatay na sakit.

Ang pagkakaroon ng bakuna laban sa malaria ay sinasabi ng ilan bilang pinakamalaking tagumpay ng modernong medisina.

Ang bakunang tinatawag na RTS,S ay napatunayang epektibo sa nakalipas na 6 na taon.

Naging matagumpay ang pilot immunization programmes  ng nasabing bakuna sa Ghana, Kenya at Malawi.

Dahil dito, sinabi ng World Health Organization (WHO) na kailangan nang i-roll out ang bakuna sa mga bansa sa sub-Saharan Africa kung saan laganap ang malaria.

Ayon kay Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesu, director-general ng WHO, ito ay makasaysayan o “historic moment”.

“The long-awaited malaria vaccine for children is a breakthrough for science, child health and malaria control,” pahayag ni Ghebreyesu.

“(It) could save tens of thousands of young lives each year,” dagdag pa ni Ghebreyesu.

Ang malaria ay isang parasite na sumisira at kumakalat sa blood cells, at ito ay nakukuha sa pamamagitan ng kagat ng lamok na sumisipsip ng dugo.

Noong 2019 mahigit sa 260,000 bata sa Africa ang namatay sa malaria.

Ang roll-out ng RTS,S vaccine ay magsasalba ng maraming buhay sa rehiyon.

The post Makasaysayang roll-out ng malaria vaccine, sasalba sa buhay ng libu-libong bata sa Africa appeared first on News Patrol.



Makasaysayang roll-out ng malaria vaccine, sasalba sa buhay ng libu-libong bata sa Africa
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments