
(Photo from Bea Alonzo’s social media page)
Papasukin na ni Bea Alonzo ang mundo ng Hollywood. Ibinalita ng Variety.com na pagbibidahan ni Bea ang Filipino-Hollywood movie na “Angel Warrior” ng Inspire Studios.
Magsisimula ang shooting sa kalagitnaan ng 2022 at ipalalabas sa Amerika at sa buong mundo sa katapusan ng 2022.
Batay sa makatotohanang salaysay noong World War 2, kasama sa mga producers ng pelikula ay si Filipino boxing champion at Senador na si Manny Pacquiao.
Gagampanan ni Bea ang papel ng isang Pilipinang naging underground fighter noong World War 2 upang tulungan ang mga gerilyang Pilipino at Amerikano laban sa mga Hapon.
The post Bea Alonzo, bibida sa Hollywood film; Manny Pacquiao, producer appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments