Bermuda na lang ang bansang nasa COVID-19 red list ng Pilipinas; updated na listahan, epektibo Oct. 1-15

Inilabas ng Malakanyang ang updated list ng mga bansang kabilang sa red, yellow at green countries at territories na ipatutupad simula ngayon araw Oct. 1 hanggang 15.

Ito ang magiging basehan ng Pilipinas ukol sa mga biyaherong mula sa mga bansang ligtas na papasukin sa kabila ng nararanasang pandemya.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang British territory na Bermuda ang tanging bansa na nasa red list habang 49 bansa naman ang Green List o mga bansang pinapayagang makapasok sa Pilipinas.

Sa ilalim ng Red List ay ang mga bansang tinuturing na  ‘high risk’ sa COVID-19.

Samantala, ang mga bansang nasa Green List ay ang mga sumusunod:

American Samoa, Burkina Faso, Cameroon, Cayman Islands, Chad, China (mainland), Comoros, Republic of the Congo, Djibouti, Falkland Islands (Malvinas), Hungary, Madagascar, Mali, Federated States of Micronesia, Montserrat, New Zealand, Niger, Northern Mariana Islands, Palau, Poland, Saba (Special Municipality of the Kingdom of Netherlands), Saint Pierre and Miquelon, Sierra Leone, Sint Eustatius, Taiwan, Algeria, Bhutan, Cook Islands, Eritrea, Kiribati, Marshall Islands, Nauru, Nicaragua, Niue, North Korea, Saint Helena, Samoa, Solomon Islands, Sudan, Syria, Tajikistan, Tanzania, Tokelau, Tonga, Turkmenistan, Tuvalu, Uzbekistan, Vanuatu, at Yemen.

Ang ibang mga bansa na hindi nabanggit ay nasa Yellow list.

“All other countries/jurisdictions/territories not listed above are in the Yellow List,” pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque.

Ang mga bansang nasa ilalim ng  Yellow List ay ikinokonsiderang moderate risk.

Pinapayagan ang pagpasok sa bansa ng mga byahero mula rito pero daraan ang mga ito sa itinakdang quarantine protocol ng Pilipinas.

Samantala, kinilala naman ng IATF ang hurisdiksyon at mandato ng Civil Aeronautics Board (CAB) sa air rights agreements sa Pilipinas.

Walang pagtutol ang IATF sa panukala ng Airline Operators Council para sa triangulated international arrival flights sa iba’t ibang gateways.

Ang triangulated international arrival flights ay maaari naman aprubahan ng CAB sa per airline basis.

 

(Toni Tambong)

 

 

 

 

The post Bermuda na lang ang bansang nasa COVID-19 red list ng Pilipinas; updated na listahan, epektibo Oct. 1-15 appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments