Pasig City Mayor Vico Sotto para sa 2nd term; naghain ng COC kasama sina Vic at Coney

(Photo courtesy: Vico Sotto FB)

Naghain agad si Pasig City Mayor Vico Sotto ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa reelection sa 2022 national at local elections ngayong Biyernes, Oct. 1.

Sinamahan si Sotto ng kanyang ama at inang sina Vic Sotto at Connie Reyes sa paghahain ng kandidatura sa Commission on Elections office sa Pasig City para sa ikalawang termino bilang mayor ng lungsod.

“Nag-file na po ako kaagad ng COC para tapos na, ‘di naman kailangan ng drama at suspense,” ani Sotto sa kanyang anunsyo sa Facebook page.

Aniya, hindi naman mababalam ang mga serbisyo sa syudad kahit panahon ng eleksyon.

“Basta, panahon man ng pulitika o hindi, uunahin natin ang trabaho.”

Humingi naman ng dispensa si Sotto sa kanyang supporters na hindi na nakasama sa pag-file ng COC.

Ayon kay Mayor Sotto, hindi na siya nag-imbita dahil mas importante umano ang sumunod muna sa health protocols.

Dumating din sa Comelec office si Pasig City representative Dodot Jaworski, anak ng dating senator Robert Jaworski, para maghain ng COC para sa pagkabise alkalde.

(Toni Tambong)

The post Pasig City Mayor Vico Sotto para sa 2nd term; naghain ng COC kasama sina Vic at Coney appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments