Kuha sa isang silid sa Eton Centris kung saan puwedeng maghain ng COC ang mga gustong kumandidato sa QC (Photo: Dong del Mundo)
Hindi na kailangan ng mga local candidate ng Covid-19 negative test results upang makapaghain ng certificate of candidacy (COC) ngayong Oct.1 hanggang 8.
Ito ang paglilinaw ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon kay Comelec spokesperson James Jimenez, ang antigen testing ay required lamang sa national candidates na maghahain ng COC sa Sofitel tent sa Pasay City.
“Ang antigen testing po natin ay required for national candidates, but it’s not required for local candidates,” sabi ni Jimenez.
Pero iginiit ni Jimenez na ang lahat ng mga kandidato ay kailangan pa ring magsuot ng face mask at face shield kapag sila ay maghahain ng kanilang kandidatura.
(Jocelyn Domenden)
The post Local candidates, hindi na kailangan ng Covid-19 negative test results para makapaghain ng kandidatura appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments