Pumalo na sa mahigit 15,000 ang kaso ng Covid-19 ngayong araw, October 1.
Ayon sa Department of Health, nakapagtala ito ng 15,566 na karagdagang kaso ng COVID-19.
Kaya naman umakyat na sa 2,565,487 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Mayroon namang naitalang 23,483 na gumaling at 199 na namatay dahil sa virus.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.1% (130,268) ang aktibong kaso, 93.4% (2,396,726) na ang gumaling, at 1.50% (38,493) ang namatay.
Samantala, nagsimula na ngayong araw ang paghahain ng certificates of candidacy ng mga kakandidato para sa 2022 elections.
Ito ay sa gitna nang banta ng COVID-19 pandemic na patuloy na nararanasan ng bansa.
Sinabi naman ni Commission on Elections spokesperson James Jimenez na sumunod naman sa mga health protocol ang mga kandidato at kanilang mga taga-suporta.
Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site ng DOH: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

The post Kaso ng Covid-19 ngayong araw, pumalo sa15,566; mga nahawahan ng sakit, muling tumaas appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments