Tinawanan lamang ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang tsismis na siya ay ‘secret candidate’ President Rodrigo Duterte.
Nauna na kasing kumakalat ang balitang ipinadala ni Sen. Christopher “Bong” Go ang kanyang chief of staff na si Gelo Villar upang tulungan si Mayor Isko sa kanyang presidential bid.
Inalis ng alkalde ang mga alingawngaw sa panayam sa media matapos na pangunahan ang panunumpa ng halos 50 mga lokal na opisyal at kandidato sa Aksyon Demokratiko nitong, Biyernes, Oct. 1.
Inulit ni Domagoso na siya ay tatakbo bilang Pangulo sa ilalim ng Aksyon Demokratiko, kung saan siya ay pangulo ng partido.
“Kami ay kandidato ng Aksyon Demokratiko na nag-apply sa tao, bilang inyong Pangulo, ang inyong lingkod, at bilang Pangalawang Pangulo, at sampu sa aming mga kasamahang senador, at mga k0onsehal, governor, congressman, vice mayor, mayor at mga board member,” sambit pa ni Isko.
Sinabi ni Domagoso na ang mga nagkakalat ng tsismis laban sa kanya ay malamang “high sa droga .”
“Hindi po totoo yon. Ito naman, malayang bansa. Kala ko ba bawal ang drugs. Ano kaya tinira ‘non?” pahayag pa ni Moreno.
Itinanggi rin naman ni Go ang ulat at tinawagang iyong ‘fake news’.
“Sayang oras kung patulan pa lahat ng fake news… Bakit namin sasayangin ang oras namin sa pulitika ng ibang kampo?” giit pa ni Go sa panayam ng ABSCBN News.
The post Isko, ‘secret candidate’ ni Duterte? Tsismis, sabi ni Yorme appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments