VP Leni Robredo, inendorso ng 1Sambayan bilang standard bearer sa 2022 elections

Pormal nang inendorso ng grupong 1Sambayan si VP Leni Robredo bilang kandidato sa pagkapangulo sa 2022 elections.

Ayon kay dating Supreme Court Justice Antonio Carpio na siyang naghayag ng endorsement kay Robredo, napili nila ang bise presidente matapos ang masusing pag-aaral sa bawat nominado.

Taglay  umano ni Robredo ang mga katangian ng isang mabuting pangulo.

Sinabi pa ni Justice Carpio na ang pag-indorso ng 1Sambayan kay Robredo ay upang iparating sa ibang kandidato na si Robredo ay sinusuportahan ng grupo at umaasang sasamahan ng mga una nang nagpahayag ng kandidatura gaya nina Sen Ping Lacson, Senator Manny Pacquiao at Mayor Isko Moreno.

Nanawagan naman si Carpio kay Robredo na tanggapin ang endorsement ng 1Sambayan para tumakbong pangulo.

Nanawagan din siya sa sambayanan para suportahan ng mga Pilipino si VP Leni na maging susunod na Pangulo ng bansa.

At kung hindi naman tanggapin ni Robredo ang pa-endorso…

“Personally i think it is a very remote possibility that VP Leni will decline,” saad ni Carpio.

Pero kung sakali man na tanggihan ni Leni ang pag-indorso sa kanya, muling magpupulong ang 1Sambayan para pag-usapan ang mga magiging hakbang.

Hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin naman umano ang mga unity talks sa ibang grupo  kahit pa na-indorso na nila si Robredo.

Pero ang mga susunod na hakbang ay ipapaubaya na nila kay VP Leni oras na tanggapin niya ito.

Para  naman sa posibleng  VP candidate ng grupo, “everything is fluid right now” at mukhang doon papasok ang pagpapatuloy sa unity talks, dagdag pa ni Carpio.

Hanggang ngayon ay wala pang pasya o pahayag si Robredo kung tatakbo bilang pangulo sa 2022.

Pero kung sakaling tanggapin ni Robredo ang endorsement at pinili naman si Carpio na maging running mate niya, sagot ni Carpio:

“I have already said it will be in conflict with my role as chair of 1Sambayan… So I will have to decline because of conflict of interest.”

The post VP Leni Robredo, inendorso ng 1Sambayan bilang standard bearer sa 2022 elections appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments