Dalawang suspek sa pangho-holdap sa China Bank, nahuli na

‏(Photo: Christian Heramis)

Arestado ang dalawa sa tatlong suspek sa panloloob sa sangay ng China Bank sa Otis St., Paco, Maynila.

Sina Larry Carel y Macarine, 32 at Ryan Sale y Carol, 28, ay iniharap sa media nina NCRPO Regional Director PMajor General Vicente Danao at MPD District PBGen. Leo Francisco.

Ang dalawa ay nahuli sa follow up operations ng MPD alas-2:30 ng hapon noong Setyemb 27, 2021 sa Caltex Gasoline Station sa Angelina Cananay Avenue, Parañaque City.

Natunton ang mga suspek sa pamamagitan ng CCTV kung saan nakita ang van ng Transportify na Mitsubishi L300 at pag-aari ng Belgrado Trucking na may plakang NCW 2751.

Ayon kay Gen. Danao, nakita ng pulisya ang nasabing van na naka-park sa kanto ng Paz Guazon at Mendiola Sts., Manila ilang oras bago ang panghoholdap sa bangko.

Sa record ng pulisya, ang nakalalaya pang suspect ay nakitang magbubukas ng account sa China Bank at ilang sandali lamang ay nagdeklara ng holdap.

Matapos ang panghoholdap ay nagtungo ang suspek sa kinaroronan ng Transportify van.

Sa tulong ng dalawa pang kasabwat, isinakay ang ginamit na motor sa nasabing van.

Ayon kay Danao, naisampa na sa piskalya ng Maynila ang kasong robbery laban sa mga naaresto.

Itinuturing din ni Danao na may maliwanag na silang lead tungkol sa insidente.

(Christian Heramis)

 

 

 

 

 

 

 

 

The post Dalawang suspek sa pangho-holdap sa China Bank, nahuli na appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments