Krizle Mago ng Pharmally, “no show” pa rin sa pagdinig ng senado

(File Photo)

“No show”  sa panibagong pagdinig ng Senate Blue Ribbon committee si Pharmally Pharmaceutical Corporation official Krizle Grace Mago.

Dahil dito, inatasan ni Blue Ribbon Committee chairman senator Richard Gordon ang senate sergeant at arms o OSAA na alamin ang kinaroonan ni Mago.

Ayon kay Gordon, hindi basta-basta si Mago dahil marami itong nalalaman at malaki ang partisipasyon sa isyu na kanilang iniimbestigahan.

Tinanong naman  ni senator Kiko Pangilinan si Pharmally treasurer Mohit Dargani kung nasaan si Mago.

Ayon kay Dargani, huli niya itong nakausap noong nakalipas na Sabado ng umaga.

Matapos aminin ni Mago sa nakalipas na pagdinig na ginagantso nila ang gobyerno dahil sa pagpapalit ng mga production date ng mga face shield ay hindi na ito makontak ng  senate blue ribbon committee.

Samantala, sinabi ni Senate Sgt. at -Arms Ret. Gen. Rene Samonte na nag-aatubili kanina si Pharmally director Linconn Ong na sumama sa hearing ng Blue Ribbon.

Pero ipinaliwanag daw nila kay Ong na dahil nasa custody siya ng senado, magsalita man siya o hindi dapat siya humarap sa pagdinig.

Sinabihan ito na dahil sa detainee ito ng Blue Ribbon kaya’t maaari itong kaladkarin pero hindi naman umabot sa ganoong pangyayari.

 

(Estrella Bueno)

 

The post Krizle Mago ng Pharmally, “no show” pa rin sa pagdinig ng senado appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments