Lumobo sa 8.1% ang unemployment rate sa bansa nitong nakaraang buwan ng Agosto.
Ito ang lumabas sa latest Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority ngayong Huwebes, Setyembre 30.
Katumbas ito 3.88 milyon mga Pilipino ang walang trabaho sa nasabing buwan.
Mas mataas ito kumpara sa 6.9% na unemployment rate na naitala noong Hulyo.
Sa kabilang banda, bumaba naman sa 14.7% ang underemployment nitong Agosto mula sa 20.9% noong Hulyo.
Nangangahulugan naman na 6.48 milyon Pinoy ang nangangailangan pa ng dagdag trabaho dahil kulang o hindi sapat ang kanilang suweldo.
(Toni Tambong)
The post PSA: Halos apat na milyong Pinoy, walang trabaho ngayon appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments