Tatawagin nang FPJ Avenue ang Roosevelt Avenue sa Quezon City.
Lusot na kasi sa Kamara ang panukalang gawing FPJ Avenue ang Roosevelt Avenue.
Ang panukala ay inaprubahan na rin sa Senado kaya isusumite na ito sa Malacanang para pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Mayroong 30 araw ang Pangulo para isabatas ang panukala sa ilalim ng konstitusyon.
Si Poe ay ama ni Sen. Grace Poe na tinaguriang “King of Filipino Movies”.
Nag-abstain naman sa ginawang botohan sa senado si Senator Grace Poe.
“I purposely abstained because of our rule that it might be a conflict of interest but in my heart, I am so happy that this passed,” sabi pa ni Poe,
Matatandaang noong 2004 ay tumakbo si Fernando Poe, Jr. o FPJ, bilang Pangulo pero namatay din sa parehas na taon dahil sa multiple organ failure.
(Toni Tambong)
The post Kalye para sa hari: Roosevelt Ave. sa QC, tatawagin nang FPJ Ave. appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments