Sa kabila ng pandemya, tuloy pa rin ang nakagisnan ng mga Pinoy tuwing Pasko ang pagpapalabas ng mga pelikulang Pilipino.
Idaraos pa rin ang taunang Metro Manila Film Festival sa December.
Ito ay matapos na makapagtala ng 20 entries ang MMFF matapos ang pinalawig na deadline sa pagsusumite ng entry hanggang katapusan ng October.
Kabilang sa mga nagpasa ng entry ang:
Ang Team Yorme The Musical nina McCoy de Leon at Xian Lim.
Tungkol ito sa buhay ni Manila City Mayor Isko Moreno.
Ang Whether the Weather is Fine nina Daniel Padilla at Charo Santos-Concio na umiikot sa kwento ng mag-ina na dumaan sa pakikibaka para mailigtas ang buhay.
Kasama rin ang hindi naipalabas sa kauna-unahang Summer Film Festival na Hard Day ni Dingdong Dantes; ang Deception ni Joel Lamangan tampok sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez; ang Bangsa starring Piolo Pascual; ang Resbak na pinagbibidahan ni Vince Rillon; at ang Kontrabida starring Nora Aunor.
Sa ngayon, wala pang pinal na desisyon kung ito ay ipalalabas sa mga sinehan o sa livestream.
Hindi pa rin pinapayagan ng gobyerno ang pagbubukas ng mga sinehan sa bansa.
(Toni Tambong )
The post MMFF, tuloy kahit hindi pa tapos ang pandemiya appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments