Pag-aampon sa Pilipinas, pasisimplehin

Pasisimplehin na ang proseso ng pag-aampon sa Pilipinas.

Niratipikahan na kasi ng kongreso kamakalawa ang Bicameral committee report tungkol sa panukalang pagpapasimple ng adoption process sa Pilipinas

Nakasaad sa final draft ng panukalang Domestic Administrative Adoption and Alternative Child Care Act na ang the Inter Country Adoption Board (ICAB) ay ire-reorganize at magiging National Authority for Child Care (NACC).

Ito na ang magiging one-stop-shop para sa alternative child care.

Ang Inter-Country Adoption Board ay isang ahensya ng gobyerno na naatasang mangasiwa bilang Central Authority pagdating sa intercountry adoption

Sinabi ni  senator Pia Cayetano na ang nasabing panukala ay makatutulong na maiayos at magkapagtatag ng National Adoption Center na siyang mangangasiwa sa lahat ng adoption. 

Kasama rin sa panukala nag pagbibigay ng hiwalay na pondo para sa mga tauhan nito na hahawak o magpo-proseso ng adoption o pag-aampon.

Mayroon ding mga probisyon sa panukala na magpo-protekta sa mga bata tulad ng home study at case study ng social worker sa bawat aplikasyon ng adoption.

Layon din ng panukala na maparusahan ang sinumang mang-aabuso at magsasamantala sa mga kabataan.

Dahil sa repormang ito, inaasahang ang average adoption process ay tatagal na lamang ng 6-9 months sa halip na maghintay ng dalawa hanggang tatlong taon sa ilalim ng kasalukuyang proseso.

“According to statistics, only 60% of adoption cases in the country are finalized within one year to three years. Some cases take up to four years or longer. Families end up spending hundreds of thousands of pesos in these lengthy proceedings,” sabi pa ni Hontiveros.

(with reports from Toni Tambong)

The post Pag-aampon sa Pilipinas, pasisimplehin appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments