Magsasabay ulit sa pagtakbo bilang senador ang magkapatid na sina dating Senador Jinggoy Estrada at JV Ejercito sa 2022 election.
Unang nagdeklara si JV na tatakbo sa ilalim ng Nationalist Peoples Coalition.
Nagpahayag naman kagabi, Sept. 29, si Jinggoy na tatakbo sa ilalim ng Puwersa ng Masang Pilipino.
Ayon kay Jinggoy na ayaw nilang maulit ang nangyari noong 2019 elections na pareho silang natalo ni JV.
Dalangin na lang daw niya ay manalo silang pareho.
Bilang nakatatandang kapatid gusto naman daw niya ay manalo rin ang kanyang nakababatang kapatid.
Apela ni dating Sendor Jinggoy na wala na sanang batikusan at wala nang patutsadahan.
Sa halip ay ituon na lang ang kanilang kampanya sa kani-kanilang plataporma de gobierno.
Ayon kay Jinggoy, batid ng kanilang ama na si dating Pangulong Joseph Estrada na magsasabay uli silang magkapatid sa pagsabak sa senatorial race.
Hangad na lang umano ni Erap ama na manalo silang magkapatid.
(Estrella Bueno)
The post Magkapatid na Jinggoy Estrada at JV Ejercito, maghaharap ulit sa 2022 senatorial race appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments