(File photo)
Handang-handa na ang pwersa ng Manila Police District (MPD) para sa filing ng certificate of candidacy na magsisimula bukas October 1.
Ayon kay MPD Director Brig.Gen. Leo Francisco, halos 400 pulis ang naka-standby para i-deploy sa walong araw na filing ng COC.
Sinabi naman ni Police Capt. Philipp Ines, ang tagapagsalita ng MPD na kailangang matiyak ang seguridad at kaligtasan sa panahon ng COC filing.
Ang filing ng COC ngayong taon ay siguradong magiging kakaiba dahil pa rin sa COVID-19.
Nakipag-ugnayan na rin aniya ang MPD sa Pasay City Police para sa pagbabantay sa paligid ng Sofitel Philippine Plaza Manila, ang lugar kung saan maghahain ng COCs ng mga aspiring candidate sa pagka-presidente, bise presidente at senador.
Nakapagsagawa na rin aniya ng ocular inspection ang MPD sa mga lugar na kanilang posibleng pwestuhan at bantayan.
Bukod sa paligid ng Sofitel, tututukan din ng MPD ang iba pang field office ng Comelec kung saan maghahain ng COC ang mga lokal na kandidato.
(Jocelyn Domenden)
The post MPD, handa na sa filing ng COC ng mga kakandidato sa 2022 elections appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments