Makatatanggap ng hanggang P10,000.00 ang isang manggagawang nagpositibo sa Covid-19, ayon sa Employees’ Compensation Commission (ECC).
Sinabi pa ni ECC senior information officer Alvin Garcia na hiwalay ito sa benepisyo ng Social Security System at Government Service Insurance System.
“They can receive cash assistance benefit. Sa ngayon, fixed siya na P10,000 for sickness claim, P15,000 for death claim,” sabi ni Garcia.
Maging ang mga nagka-COVID-19 noong nakaraang taon ay pwede pa ring makakuha ng ayuda.
Samantala, ang mga empleyadong naka-work-from-home arrangement ay hindi naman sakop nito.
(Toni Tambong)
The post P10K na benepisyo sa empleyadong nagka-COVID, pwedeng kubrahin sa ECC appeared first on News Patrol.
Source: News Patrol PH
0 Comments