Kaso ng Covid-19, patuloy na bumaba; mga bata, posible nang mabakunahan sa October 15

Patuloy na bumababa ang kaso ng Covid-19 sa bansa sa loob ng tatlong magkakasunod na araw.

Ngayong araw, September 29, nakapagtala ang Department of  Health (DOH) ng 12,805 na kaso ng COVID-19 infections sa bansa.

Dahil diyan ay nasa 2,535,732 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Tumaas naman ng nasa 200 ang active cases sa bansa mula sa 132,139 na naiulat na kaso kahapon, September 28.

Dahil diyan ay mayroon nang active cases ngayon na 132,339 o 5.2% ng kabuuang bilang ng mga kaso.  Mayroon namang nakarekober na 12, 236 at 190 na namatay ngayong araw lamang.

Samantala, inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabakuna sa general population kasama na ang mga bata edad 12-17.

Sa October 15 ay inaasahan na sisimulan ang pagbabakuna sa mga batang may comorbidities.

The post Kaso ng Covid-19, patuloy na bumaba; mga bata, posible nang mabakunahan sa October 15 appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments