P10K benepisyo sa empleyadong nagka-COVID pwedeng kubrahin – ECC

Sinabi ng Employees’ Compensation Commission (ECC) na ang mga manggagawang magpopositibo sa COVID-19 sa ilalim ng job-related circumstances ay makatatanggap ng hanggang P10,000.

Sinabi ni ECC senior information officer Alvin Garcia sa interbyu sa Unang Balita, na hiwalay ito sa benepisyo ng Social Security System at Government Service Insurance System.

“They can receive cash assistance benefit. Sa ngayon, fixed siya na [For now, it is fixed at] P10,000 for sickness claim, P15,000 for death claim,” saad ni Garcia.

Maging ang mga nagka-COVID noong nakaraang taon ay pwede pa ring makakuha ng ayuda.

Samantala, ang mga empleyadong naka-work-from-home arrangement ay hindi naman sakop nito.

(Toni Tambong)

The post P10K benepisyo sa empleyadong nagka-COVID pwedeng kubrahin – ECC appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments