Dagdag-singil sa LPG sa October

Inaasahan na may dagdag-singil sa presyo ng liquefied petroleum gas o LPG pagpasok ng October.

Ipatutupad sa October 1 ang P5 hanggang P6 dagdag sa kada kilo ng LPG o P55 hanggang P66 pesos sa kada regular na tangke nito.

“It’s really bad news but wala tayong control kasi imported ‘yan,” pahayag ni Arnel Ty, presidente ng Regasco, kilalang supplier ng LPG.

Sa ngayon ay halos $108 ang inilobo ng presyo sa international contract price ng LPG na pinakamataas umano sa loob ng limang taon.

Sa kabilang banda, maaaring sa March ng susunod na taon pa bababa ang presyo ng imported na LPG.

Sa ngayon, inabisuhan na lamang ng Department of Energy ang LPG manufacturers na kung pwede ay hati-hatiin na lamang ang dagdag-singil para hindi masakit sa mga konsyumer ang karagdagang presyo ng LPG.

(Toni Tambong)

The post Dagdag-singil sa LPG sa October appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments