Manila LGU handa na sa vax roll out ng pediatric group

Handa na ang Manila LGU sa vax roll out ng pediatric group o mga nasa edad 12 hanggang 17 anyos.

Ito ang inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ngayong araw, Sept. 29.

Ayon sa alkalde, agad sisimulan ang vaccination sa mga kabataan sa oras na maglabas ng abiso ang  Inter-Agency Task Force (IATF) at Department of Health (DOH) dahil mayroon na silang naitabi na bakuna para sa pediatric group.

Sa kasalukuyan, umabot na sa 39,000 mga kabataan nasa edad 12 hanggang 17 anyos ang nakapagpatala  sa “online pre-registration” ng lokal na pamahalaan na https://ift.tt/3cQKROp.

(Jocelyn Domenden)

 

 

 

The post Manila LGU handa na sa vax roll out ng pediatric group appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments