14,286 na bagong kaso ng Covid-19 naitala ngayong araw, Sept. 30

Nagtala ng mahigit sa 14,000 na kaso ng Covid-19 ang Department of Health ngayong araw.

Nasa 14,286 na karagdagang kaso ng COVID-19 ang naitala ng DOH ngayong araw.

Mas mataas ito ng mahigit sa isang libong kaso kumpara kahapon.

Umakyat naman sa 2,549,966 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.

Mayroon namang naitalang 8,268 na gumaling at 130 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.4% (138,294) ang aktibong kaso, 93.1% (2,373,378) na ang gumaling, at 1.50% (38,294) ang namatay.

Mapapansing sa loob ng tatlong magkakasunod na araw ay nasa below 15,000 ang mga kaso ng nahawahan ng Covid-19 sa bansa.

Samantala, lumabas naman sa pag-aaral ng Octa Research group na bumagsak sa 0.96 ang reproduction number ng COVID-19 sa Pilipinas simula noong September 28.

“Reproduction number in the country decreased to 0.96 as of 9/28,” saad sa tweet ni OCTA Research fellow Dr. Guido David.

Ibig sabihin ay bumabagal ang antas ng hawahan sa bansa.

Noong Setyembre 26 umabot sa 0.98 ang reproduction rate sa bansa.

Ayon kay David, ang average ng bagong kaso ng COVID sa Pilipinas ay nasa 17,293 mula Setyembre 22 hanggang 28.

Noong September 26 ay umabot na sa 0.98 ang reproduction rate sa bansa..

Para sa karagdagang detalye, bisitahin ang pampublikong site ng DOH: www.doh.gov.ph/covid19tracker.

(with reports from Toni Tambong)

The post 14,286 na bagong kaso ng Covid-19 naitala ngayong araw, Sept. 30 appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments