Taiwan, namahagi ng P2.5M ayuda sa mga nasalanta ng bagyong Odette

Nagpadala ang pamahalaan ng Taiwan ng panibagong tulong sa mga biktima ng bagyong Odette.

Kabilang sa karagdagang tulong ng Taiwan ang dalawang shipment ng relief goods na nagkakahalaga ng P2.5 milyon, ayon sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO) sa Pilipinas.

Sinabi ni TECO press division Deputy Director Wei-Chung Chang ngayong Linggo, Dec. 26, na sakay ng dalawang Taiwanese C-130 Hercules cargo planes ang naturang relief items.

“Sharing the same feelings with the people affected by Typhoon Odette (Rai), following our background information on 23 December 2021, the people and government of Taiwan quickly carried out humanitarian operations,” pahayag ni Chang.

“Two shipments of relief goods worth USD 50,000 were airlifted from Taiwan to the Philippines by two ROCAF C-130 Hercules cargo planes on 25 and 26 December 2021 respectively,” dagdag ni Chang.

Ito ang ikalawang inisyatibo ng Taiwan sa pagtugon sa pinsalang dulot ng bagyong Odette sa bahagi ng Visayas, Mindanao at Palawan.

Nitong Huwebes, Dec. 23, una nang nagbigay ang gobyerno ng Taiwan at iba pang Taiwan-based foundations ng P29.70 milyon na disaster relief funds.

(Toni Tambong)

The post Taiwan, namahagi ng P2.5M ayuda sa mga nasalanta ng bagyong Odette appeared first on News Patrol.



Taiwan, namahagi ng P2.5M ayuda sa mga nasalanta ng bagyong Odette
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments