(Photo courtesy: Minor Basilica of the Black Nazarene)
Wala pa ring pahalik, ang tradisyonal na bahagi ng pagdiriwang tuwing Kapistahan ng Black Nazarene dahil pa rin sa bant ng COVID-19.
“Wala pa rin po [pahalik], pagdungaw lang,” pahayag ni Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo church sa panayam ng ABS-CBN Teleradyo.
Ayon kay Fr. Badong, ang mga deboto na nais makita ang imahe ng itim na Nazareno ay maaaring bisitahin ang Sta. Cruz Church kung saan mamamalagi ito ng siyam na araw.
“Malaki na rin ang Sta. Cruz Church kayang mag-accommodate ng marami,” dagdag ni Fr. Badong.
Ito na ang pangalawang taon na walang “pahalik” upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa sa panahon ng pandemya.
Ang tradisyonal na pahalik kung saan pumipila ang mga deboto para humalik sa imahe ng Itim na Nazareno ay kinansela noong isang taon.
Kanselado rin sa ikalawang taon ang tradisyonal na traslacion kung saan ginagawa ang prusisyon ng Itim na Nazareno sa ilang lugar sa Maynila para maiwasan ang overcrowding.
(Jocelyn Domenden)
The post “Pagdungaw” sa halip na “pahalik”, isasagawa sa Kapistahan ng Black Nazarene appeared first on News Patrol.
“Pagdungaw” sa halip na “pahalik”, isasagawa sa Kapistahan ng Black Nazarene
Source: Trending Filipino News
0 Comments