(Photo Courtesy: Screengrab from PTV FB)
Dumating na sa bansa ang 2,003,500 doses ng AstraZeneca COVID-19 vaccine na binili ng pribadong sektor ngayong Martes, December 28.
Sa isang briefing, sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na bahagi ang mga naturang bakuna ng huling batch ng AstraZeneca COVID-19 vaccines na darating sa bansa.
Inaasahan naman ang mas marami pang doses ng bakuna na darating sa Miyerkules.
Ang mga darating na bakuna ang kukumpleto sa 17 milyong doses ng AstraZeneca na nakalaan sa Pilipinas sa bisa ng isang tripartite agreement sa national government at vaccine manufacturers.
(Toni Tambong)
The post Mahigit 2M doses ng AstraZeneca Covid-19 vaccines, dumating sa bansa ngayong Martes appeared first on News Patrol.
Mahigit 2M doses ng AstraZeneca Covid-19 vaccines, dumating sa bansa ngayong Martes
Source: Trending Filipino News
0 Comments