Bagong Covid-19 cases, bahagyang tumaas ngayong araw, October 21

Tumaas nang bahagya ang kaso ng Covid-19 sa bansa ngayong araw kung ikukumpara kahapon.

Sa tala ng Department of Health, mayroong 4,806 na panibagong kaso ng Covid-19 ngayong araw, October 21.

Ganunpaman, mas mababa pa rin ang naitalang kaso ngayon kumpara sa mga nakalipas na araw.

Ito rin ang ikatlong magkakasunod na araw na mas mababa sa 5,000 ang naitalang kaso ng Covid-19.

Dahil diyan ay pumalo na sa  2,740,111 ang kabuuang kaso ng nahawahan ng virus sa bansa.

Mayroon namang naitalang 5,934 na gumaling at 260 na pumanaw ngayon.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.4% (65,835) ang aktibong kaso, 96.1% (2,633,039) na ang gumaling, at 1.50% (41,237) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat ng DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 19, 2021.

“All labs were operational on October 19, 2021, and were able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System.”

Samantala, pagdating sa hospital occupancy, 58 percent ng ICU beds at 45 percent ng  isolation beds ang okupado ng mga Covid-19 patient.

Mayroong 43 percent ng ward beds, at 42 percent  ventilators ang nagagamit rin ng mga pasyente.

 

The post Bagong Covid-19 cases, bahagyang tumaas ngayong araw, October 21 appeared first on News Patrol.



Bagong Covid-19 cases, bahagyang tumaas ngayong araw, October 21
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments