OCTA RESEARCH: 22K ALL TIME HIGH COVID-19 CASES, HINDI PA NAAABOT ANG “PEAK” O RUROK NG HAWAHAN

Tumaas ang antas ng hawahan ng COVID-19 o ang reproduction number sa Metro Manila, habang ang kabuuang trend nito sa Pinas ay bumababa, ayon sa OCTA Research group.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David ngayong Linggo, mula sa 1.39 reproduction rate sa Metro Manila ay naging 1.41 na lang ito.

Inaasahan naman ni David na bababa ang reproduction rate sa ikatlong linggo ng September.

“Sa buong Pilipinas, nasa 1.32. Sa buong NCR, 1.41 ‘yung reproduction number natin. Overall, ang trend niya bumababa,” sabi David sa interview sa DZBB.

Nagbabala naman si  David sa pagkakakopo ng Metro Manila ng 6,000 kaso nitong Sabado.

Sabi pa niya, maaari pa itong tumaas kapag hindi mapabababa sa 1.0 ang reproduction number.

Sinabi pa ni David na kahit nakapagtala ng all time high na higit 22,000 COVID case sa isang araw, hindi pa umano ito maituturing na peak ng hawaan.

“‘Yung 22,000 na nakita natin, ‘di pa peak ‘yun. Baka malampasan natin ‘yun. Baka puwedeng mangyari ngayong araw o bukas or these coming weeks,” ayon pa sa eksperto.

Matatandaang noong August 30, nakapagtala ang Department of Health ng 22,366 na kaso ng Covid-19 sa isang araw lamang.

Ito na rin ang itinuturing na pinakamataas na bilang ng kasong naitala simula pa noong magka-pandemya.

(Toni Tambong)

The post OCTA RESEARCH: 22K ALL TIME HIGH COVID-19 CASES, HINDI PA NAAABOT ANG “PEAK” O RUROK NG HAWAHAN appeared first on News Patrol.


Source: News Patrol PH

Post a Comment

0 Comments